Ito ay isang buto sa gulugod (vertebrae) ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Noong 1898, dalawang taon matapos na mailibing sa lumang sementeryo ng Paco si Rizal, ay hinukay ang kanyang mga kamag-anakan ang kanyang labi. Nilinis ang kalansay ni Rizal sa loob ng bahay ni Dona Narcisa Rizal (nakatatandang kapatid na babae ni Rizal). Nanatili ang kalansay ni Rizal sa kanilang bahay hanggang 1912, noong inilagay na ang kalansay sa ilalim ng monumento sa Luneta. Isang buto sa gulugod ni Rizal ang hindi isinama at ginawang subenir sapagkat ito ang bahaging tinamaan ng bala noong barilin si Rizal sa Bagumbayan. Hanggang ngayon ay makikita itong naka-exhibit sa Museo ng Fort Santiago.
No comments:
Post a Comment