Sunday, September 11, 2011

Ilang Pang-hatinggabing Larawan sa Abenida Rizal

Eskinitang madidilim. Mga paskil sa pader. Mga kaluluwang puyat. Mga aninong hapo. Mga pulubing ginawang tahanan ang bangketa. Niyuping karton upang maging higaan. Mga basura ng nagdaang maghapon. Mga ilaw na patay-sindi. Iyan ay ilan lamang sa mga tagpong maaring matunghayan sa isang hatinggabing paglalakad sa Abenida Rizal. Mga larawang nakakapukaw ng damdamin. Ang ila'y nakapagpapahungkag sa ating kamalayan. Ang iba nama'y nagbibigay ng panibagong pananaw o dili kaya'y may hatid na mensahe na maaaring mapagnilay-nilay sa mga gabing pagod at puyat sapagkat bihirang matunghayan. Kaya't minsa'y ating inililihis ang tingin o dili kaya'y nagkukunwaring walang nakita upang kahit paano'y hindi maantig ang mga gulantang na damdamin.








No comments:

Post a Comment