Siksikan ang mga tao dahil paborito nila lahat ang hamon dito. Hindi namn magkanda-ugaga sa pagtitinda ang mga tindera.
Masarap na Hamon Excelente. Maniwala kayo, isang binti ng hamon ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa isang libo limang daan, depende sa laki. Sulit naman sa palagay ko dahil masarap talaga!
Globe Lumpia House sa Raon, Quiapo. Masarap ang sariwang lumpia dito na nagkakahalaga ng dies y sais pesos bawat isa.
Siyempre nagsimba muna ako sa Quiapo upang humingi ng pagpapala sa paparating na taong 2007
"La Sonrisa" o Kalendariong Tagalog sa taong 2007. Ito ang tunay na Almanak Pilipino na ginawa ng aking lolo sa tuhod na si Don Honorio Lopez. Unang inilimbag ang kalendaryong ito noong taong 1898 at patuloy pa ring ipinalilimbag sa ngayon.
No comments:
Post a Comment