Wednesday, June 14, 2006

Ang Aking Mga Bagong Jeepney

Isa sa mga pangarap ko sa buhay ay ang magkaroon ng sariling Jeepney. .Tama, yun nga--ang pambansang sasakyan ng Pilipinas--ang Hari ng Kalsada. Siguro masasabi ninyo na mababaw ito, at kahit sino ay maaaring magkaroon nito. Pero sa akin ay mahalaga ito at kahit hindi ako makabili ng kotse ay bibili at bibili ako ng jeepney.
Noong nakaraang taon ay naisulat ko pa nga sa blog na ito na talagang magsusumikap ako upang makabili nito. Pilipinong-pilipino ang pakiramdam ko tuwing makakasakay ng Jeepney.
Maraming adbentahe ang Jeepney sa ibang sasakyan tulad ng kotse o van. Matibay ito at di matatalo sa banggaan.
Bukod dito ang Jeepney lang ang tanging sasakyan na magkakaharap ang mga pasahero, hindi ba't napakainam na paraan ito upang ang mga pasahero ay magkakilanlan sa isa't-isa? Sa jeepney rin ay makikita ang pakikipagkapwa tao ng mga Pilipino.

Ang wastong pagbabayad ng pamasahe ay nakatutuwang katangian ng mga Pilipino. Bihira yaong mga pasaherong tumatakas o bigla na lang bumababa samantalang di pa nagbabayad. Sa kalahatan, maganda ang relasyon ng tsuper at pasahero. Ang mga pasahero ay may tiwala sa kanyang Jeepney drayber(na sila'y di madidisgrasya), at gayun din naman ang Jeepney drayber sa kanyang mga pasahero (na sila ay magbabayad ng tapat).

Ang pag-aabot ng sukli sa kapwa pasahero ay repleksyon din ng ating pagiging simple at mahusay na pakikisalamahuha sa kapwa pasahero. Magalang tayong nagbabayad at nagsasabi ng "mama, bayad po", at kung di kayang iabot dahil malayo tayo sa drayber, ito ay ipapakisuyo sa ating katabi, hanggang ang salapi ay makuha ng drayber. At gayun din naman kung magsusukli, ito'y muling ipakiki-abot at ito ay napaka-normal lang na pangyayari.

****
Kahapon, habang namamasyal sa Cubao ay inalok ako ng kaibigan ko kung gusto ko daw ba bumili ng Jeepney. Ang sabi ko'y oo, depende sa kundisyon at presyo. Sinabi niyang bago pa naman ito at maganda ang pagkakagawa. May dalawang Jeepney ang ibinebenta.
"Gusto kong makita" ang wika ko sa kanya.
"Halika, punta tayo sa bahay" ang sabi naman niya.
Kaya nagpunta kami sa bahay niya at dito ko nakita ang dalawang magagarang jeepney, bago pa, at talagang mura. Mayroon na rin itong sariling ruta---Baclaran-Quiapo. Hmmm. nagdesisyon akong bilhin ito. Pagkatapos ng ilang tawaran ay nagkasundo kami sa presyo at binayaran ko siya agad. Wala ng "Deed of Sale" dahil tiwala naman ako sa kanya at matagal na rin kaming magkaibigan.

Ahhh! Sa wakas nakabili din ako ng Jeepney...hindi lang isa kundi dalawa pa isang kulay pula at isang kulay dilaw... Hmmm....Sa ngayon ay nakaparke ito sa aking
lalagyan ng mga libro...nakatutuwang tingnan....isang likha ng sining!


Sa presyong limangdaang piso ay nabili ko ang kulay dilaw na Jeepning ito...maganda at bago pa..may rutang Baclaran-Quiapo. Ito ay isang true-to scale die-cast model.

Ang kulay pulang Jeepney na may rutang Baclaran-Quiapo. Kulang na lang ay ang mga pasahero at tsuper. Saan kaya nakakabili ng mga miniatures na mga Pilipino. Plano kong dagdagn ito ng disenyo tulad ng mga maliliit na piguring tao sa bubong(dahil ang mga probinsyano'y sumasakay kahit sa bubong ng Jeepney!), at ilang mga bagahe.



Ang gara nilang dalawa di ba? Bagay na bagay ipareha sa koleksyon ko ng mga aklat at komiks....Ang Jeepney..Bow!

No comments:

Post a Comment