Heto ang nangyari sa pag-aaplay ko ngayong maghapon: pudpod ang swelas ng sapatos kalalakad at nanglalagkit ang mukha sa init ng panahon. Natanggap ba ako? Hindi. Malas lang. Pero okey lang.
Ang karaniwang sinabi sa akin sa mga pinag-aplayan ko ay:
1. Iwan mo na yang bio-data mo sa amin at tatawagan ka namin pag may bakante na. Kami ang tatawag sa iyo okey? Sige na. (Sige tutal next week putol na yang telepono ko dahil walang pambayad)
2. Bumalik ka na lang sa isang buwan. Hindi pa kami nag-eentertain ng aplikante. Titingnan pa namin kung pwede kami mag-dagdag ng panibago....(Kahit kailan di na ko babalik dito noh!)
3. Sa totoo lang nag-retrench nga kami noong nakaraang semestre...Tapos ngayon medyo kapos pa ang enrollment..Napakahirap talaga ng sitwasyon ngayon hijo... (Okay, okay I get it, hindi na lang kasi diretsahin na walang bakante!)
4. Maganda ang kredensyals mo iho, kahanga-hanga, pero sa malas ay wala kaming bakante...(Hmmp! pinuri pa ako para lang lalong iparamdam ang aking frustrations..)
Kaya hanggang ngayon, wala pa ring resulta ang aking planong pag-aaplay. Sa totoo lang ayoko na ring mag-aplay. Nakakaasar lang e, dami ko pa namang pinaseroks na resume. Mag-Japan na lang kaya ako tulad ng ginagawa ng maraming kadalagahang Pilipina? Kaso lalaki nga pala ako...
Bumili ako ng pahayagan at binasa ang classified ads...baka sakaling may trabahong pwede kong pag-aplayan...Kahit anong trabaho tatanggapin ko basta marangal at malaki ang sweldo....hehe...
Heto mga nakita kong bakante sa dyaryo at di na kailangan pa ng mga digri digri na yan:
1. Factory workers. Tagabalot ng sigarilyo sa isang pabrika ng sigarilyo sa Valenzuela..(Nyaay. Allergic ako sa sigarilyo at sa amoy ng sigarilyo..)
2. Piano movers. The number one piano manufacturer in the country needs professional men to deliver pianos to any part of Luzon. (Ngwek...kung isang basong tubig nga tinatamad pa akong kumuha sa refrigerator e, piano pa?)
3. Insurance agents. Earn as much as 60,000 pesos in one month! We will train you, attend our free seminar for one week. (Eheheh..Wag na toy. Baka yung one week na yun ay ako pa ang bentahan ninyo ng insurance...)
4. Embalmers. No need for any professional degree. No need for experience. We will train you. Good income. Sure hiring. Free meryenda. (Yaiks!!! Dugo....dugoooooo...Lamang-loob!!!)
5. Professional Purveyor of Environmental Merchandise. In short, Kapote salesman...(Langhiya pinaganda pa ang title tagabenta lang pala ng kapote)
6. Cartoonists for a Danish Newspaper. Applicants must possess a grim sense of humor. We have recently fired two cartoonists for confidential reasons. If you feel qualified, please submit two cartoon figures of Bin Laden immediately.
7. Teachers(yes!!!). High salary(yes!!!). Please bring bio-data, and apply personally at Midok National High School, Basilan (no!!!)
Hay naku..makapanood na nga lang ng V for Vendetta!
No comments:
Post a Comment