Tuesday, March 21, 2006

Random Images of Cubao

Ang Nepa Q-Mart. Larawang kuha mula sa overpass sa EDSA.



Isa sa pinakamatandang kainan dito sa Cubao ay ang Nena's Bibingka. Masarap, mura at maganda ang ambyens ng restwrang ito. Ispesyalti nila syempre yung Bibingka. Regular 4o pesos, special 60 pesos, tapos may keso at itlog na pula pa sa ibabaw. Hmmm...sarap... kakagutom no?




Ang loob ng bagong Gateway Mall. Ang mall na ito ay para sa mga mayayaman ng Cubao. Puro high-end ang mga tindahn dito tulad ng Lacoste, DKNY, Esprit, Escada, at iba pa.
Kaming mga nasa panggitnang uri ay kuntento na mag-shopping sa Farmer's o kaya sa mga tiangge sa mga bangketa ng Aurora Boulevard.




bangketa sa Aurora Boulevard. Maraming tindahan dito ng ukay-ukay o mga segunda-manong damit, meron ding tindahan ng mga segunda-manong appliances, relos at kung anu-ano pa. May mga nagbebenta din ng aliw....tuwing takipsilim.


Terminal ng bus patungo sa mga lalawigan sa Quezon, Batngas, Laguna, Ilo-ilo, Bikol, Samar, Leyte, at Mindanao.



Marikina Shoe Expo, isa sa pinakamurang tindahan ng mga sapatos na gawang Marikina. Nakabili ako ng spatos na Rusty Lopez na balat sa halagang 300 pesos lang. Sa ngayon ay hindi na lang mga sapatos ang mabibili sa Expo, meron na ding secondhand bookshop, antique shop, art galleries, at iba pang specialty shops.



Ang C.O.D. ay ginawa ng Puregold Department store. Gayunpaman, ang mga Del Rosario pa rin ang may-ari ng gusali, at ipinauupahan lang nila ito sa Puregold.

MGA PANGGABING LARAWAN

Talagang tuwing hapon, araw-araw ay naglalakad ako sa Cubao. Ito ay parte ng aking pag-eehersisyo. Wala akong planadong lakad, para lang namamasyal. Minsan may makakasalubong na kakilala o kaibigan. Tapos maglilibang ng ilang oras sa loob ng National Bookstore, tumitingin ng mga "sale" na aklat. Pag nagutom ako kumakain ako sa Nena's o sa Bellinis o kaya sa Farmer's Foodcourt. Pag napagod tambay sa Ali mall o kaya video games sa SM. Yan ang buhay ng isang taong walang trabaho.
Narito ang ilang larawang kuha ko kagabi habang namamasyal sa Cubao.

Ang New Frontier Theater. Dito kami madalas manood ng sine nung dati kong girlfriend. Break na kami matagal na. Mga isang linggo na...




SM Cubao. Isa sa pinakamatandang SM departmnt stores. Mas matanda lang ng ilang taon ang SM Carriedo

Ang dating automatic center ay Value Station na ngayon. Tindahan ng mga appliances, damit at laruan ang loob nito.

Isang view ng General Araneta Avenue mula sa tulay na nagkakabit sa Farmer's at Araneta Coliseum

Ang dating Fiesta Carnival ay ginawa na ngayong Shopwise Supermarket.

No comments:

Post a Comment