Sunday, April 2, 2006

Hay naku...panahon na naman ng tag-init sa Pilipinas!
Habang ang mga espalto ng kalsada ay nagbibitak-bitak sa init, ang mga tao naman ay kung saan saang dako tumutungo upang matakasan ang alinsangan at alikabok ng lungsod. Naroong may tumutungo sa mga dalampasigan upang magpalamig, sa mga malls upang makalanghap ng air-con, at siyempre sa mga lalawigan upang doon palipasin ang tag-init.
Dahil dito naisipan kong dalawin ang aking tiyuhin sa Bulakan upang doon magpalipas ng ilang araw at mabisita tuloy ang ilang mga pinsan.

Sakay ng Baliwag Transit, binaybay ko ang mga aplaya at bukirin na siyang karaniwang matatanaw sa kahabaan ng kalsada patungong Bulakan. Dito'y wala kang makikita kundi mga malalawak na taniman ng bukid, at dahil panahon ng tag-init, ang mga bungkos ng tanim na palay ay kapwa mga hinog na ang kulay, animoy mga milyong butil ng ginto na sabay-sabay na umiindayog sa lambing ng hampas ng hanging amihan.

Sa ilang bahagi naman ay ang mga dayami na siyang natira sa mga inaning palay, at sa ilang bahagi pa ay makikita naman ang mga magsasaka na pawang mga nakasuot ng mga malalapad na balangot habang itinataas ang kanilang mga bilao upang ipahiwalay sa hangin ang bigas sa ipa.
Sa bawat bayang aming daanan ay mayroong ilang mga nagtitinda ang umaakyat sa bus upang mag-alok ng mga mamiminindal tulad ng suman, sitsaron, o espasol. Bumili ako ng sitsaron upang ngatngatin habang naglalakbay subalit ang salbaheng tindero ay nakalimutan itong lagyan ng suka(vinegar), kaya hindi ko ito nangatngat (dahil ang sitsaron ay masarap kainin ng may suka di ba?).

Makalipas ang ilang oras na paglalakbay ay narating na rin namin ang bayan ng Baliwag. Matagal tagal na rin akong di nakapunta sa bayang ito subalit sa tingin ko ngayon ay halos walang pinagbago ang Baliwag. Ganito yata ang mga lalawigan, ilang dekada man ang makalipas ay nananatili pa rin sa kanyang matandang anyo.

Kumpara sa lungsod, ang buhay lalawigan ay napakasimple. Ang karaniwang mga tanawin dito ay yaong mga batang galing sa bukid na sakay ng kalabaw, o kaya ng ilang mga manang na galing sa simbahan..o kaya naman ay ng ilang mga kalalakihan na nag-uumpukan at nagkukwentuhan sa tapat ng isang tindahan habang hinihintay ang oras ng muling pagbabalik sa bukid. Ang buhay dito ay simple, walang gaanong pagmamadali, at walang tensyon.

Ang alinsangan ay di gaanong mararamdaman dahil na rin sa dami ng mga punongkahoy. Sumakay ako ng pedikab upang lakbayin naman ang baryo ng aking tiyuhin.Ang kanilang bahay ay isang matandang kolonyal na bahay sa Baliwag Bulakan, sa maliit na baryo ng Sto. Kristo. Pagkababa ko ng pedikab ay kinailangan ko munang mamilapil ng kaunti sapagkat ang kannilang tahanan ay nasa kabilang bahagi pa ng kalsada.

Nakita ko ang aking tiyuhing si Siahong Beloy na nagtatambak ng pilapil sa isang gilid ng puno. Medyo maasim ang pagtanggap niya sa akin. "Dinaramdam ko" ang wika niya "marami pa akong ginagawa. Kung gusto mo'y maghintay ka muna o magpasyal-pasyal. Pwede mong sakyan itong aking kalabaw". Hahah, ang wika ko sa sarili ko. Ako? Sasakay sa kalabaw? Ako na taga-Maynila?
Ibang usapan na ito. Bilang isang propesyonal na tao na nakapagtapos sa unibersidad, inakala kong ang pagsakay sa kalabaw ay isa lamang simple at napakapayak na gawain. Kahit sinong musmos ay makagagawa nito.

Parang nabasa ni Siahong Beloy ang iniisip ko kaya sinabi sa akin na "O baka naman kalabaw lang e hindi ka pa marunong sumakay? Madali lang naman pasunurin itong mga kalabaw. Tulad nitong si Vladimir, napakaamong hayop, sa isang tawag lang ay susunod agad"

Pagkatapos ay tinawag niya ang kalabaw na si Vladimir, "Hoy Vladimir, halika dito...hoy! Sumunod ka! Hoy! Rok-rok-rok". Ni hindi man lang lumingon si Vladimir, at patuloy lang sa pagnguya ng dayami.

Tinanong ko si Siahong Beloy kung ano ang ibig sabihin ng "Rok-rok-rok".

"A iyon ba?" ang sagot niya, "Yan ang paboritong tawag na gustong-gusto marinig ng mga kalabaw. Pag narinig nila iyon ay sumusunod agad. Tingnan mo"
At muli niyang tinawag si Vladimir, "Hoy Rok-rok-rok, Vladimir! Sumunod ka animal!"
Subalit tulad ng dati ay parang walang narinig ang halimaw, at patuloy lang sa panginginain ng dayami.
"O sige" ang baling naman niya sa akin" bahala ka na muna diyan, madali namang sakyan ang kalabaw. Basta sabihin mo lang ang Rok-rok-rok, susunod agad yan".

1 comment:

  1. Kumusta kayong lahat,
    Ang pangalan ko ay Mr, Rugare Sim. Nakatira ako sa Holland at masaya akong tao ngayon? at sinabi ko sa sarili ko na ang sinumang nagpapahiram na nagligtas sa akin at sa aking pamilya mula sa aming mahirap na sitwasyon, ire-refer ko ang sinumang tao na naghahanap ng pautang sa kanya, binigyan niya ako ng kaligayahan at ang aking pamilya, ako ay nangangailangan ng pautang ng € 300,000.00 para masimulan ang buhay ko dahil ako ay nag-iisang Ama na may 2 anak nakilala ko itong tapat at natatakot sa Allah na lalaking nagpapautang na tumutulong sa akin sa pautang na €300,000.00, siya ay isang taong may takot sa Allah, kung kailangan mo ng pautang at babayaran mo ang utang mangyaring makipag-ugnayan sa kanya sabihin sa kanya na (Mr, Rugare Sim) i-refer ka sa kanya. Makipag-ugnayan kay Mr, Mohamed Careen sa pamamagitan ng email: (arabloanfirmserves@gmail.com)


    FORM NG IMPORMASYON SA PAG-AAPLIKASI NG LOAN
    Pangalan......
    Gitnang pangalan.....
    2) Kasarian:.........
    3) Halaga ng Pautang na Kailangan:.........
    4) Tagal ng Loan:.........
    5) Bansa:.........
    6) Address ng Bahay:.........
    7) Numero ng Mobile:.........
    8) Email address..........
    9) Buwanang Kita:.....................
    10) Trabaho:..........................
    11) Aling site ang ginawa mo dito tungkol sa amin.....................
    Salamat at Best Regards.
    Mag-email sa arabloanfirmserves@gmail.com

    ReplyDelete