Habang naglalakbay patungong San Pablo at iniisip kung anong paliwanag ang gagawin kay Gerry kung bakit ako naabala sa pagdating, sari-saring bagay ang pumasok sa aking hungkag na pag-iisip.
Naisip kong para akong napilayan ng malaman kong naiwan ko pala ang aking cellphone sa banyo. Hindi lang iilang beses kong nakalimutan ang aking cellphone. Medyo may kadalasan na ang pangyayaring ito at nababahala na ako.
Bilang isang taong propesyunal na nakapagtapos sa unibersidad, mahirap aminin sa sarili na nagiging ulyanin ako pagdating sa mga tribyal na bagay. Hindi lamang cellphone ang madalas kong makalimutan. Marami pang ibang maliliit na bagay.
Tulad na lang ng payong.
Hindi na mabilang ang payong na nawala ko. Yung iba matapos ang tag-ulan nawawala na lang parang bula. Merong naiwan sa Jeep (umuulan kasi nung sumakay ako at lintik namang tumigil pagbaba ko kaya nalimutan ko tuloy na may dala pala akong payong). Merong naiwan sa Jolibee, sa sinehan, at kung saan-saan pang lugar. Ang masaklap pa ay maaalala ko na lang ito kung ako'y nasa bahay na...o kaya ay bigla na namang umulan.(teka ...putsa nakalimutan ko ang payong ko sa sinehan!)
Minsang umuulan ay lumabas ako ng bahay at binitbit ang payong ng aking mahal na kapatid na babae.

"Hoy mama" ang wika ng munting babae, "baka mawala mo na naman yang payong ko!"
"Mahal kong kapatid, " ang sagot ko "kailan ba naman ako nakawala ng payong?"
"Nung isang linggo...iniwan mo ang payong mo kung saan, kaya nag-aalala ako na baka iwala mo rin yang payong ko"
Kungsabagay may katwiran siya. Nakalimutan kong nakalimutan ko nga pala ang payong ko sa dyipning sinakyan ko nung isang linggo. Medyo magulo.
Kung tutuusin medyo nakaka-insulto ang payong ng aking kapatid sa aking pagkalalaki. Ang payong na ito ay kulay pink, at may nililok na ulo ng bibe bilang hawakan.
Ikaw ba, o lalaking nagbabasa nito, ay makapagdadala ng ganitong uri ng payong? Marahil ay kung bumabagyo lamang!
Sa totoo lang may phobia na akong bumili ng payong, kaya tuloy naalala ko ang kahanga-hangang mga Ingles na parati na lang may dalang mahabang itim na payong. Dala dal nila ito sa init o tag-ulan at nakapagtatakang hindi nila ito nakakalimutan kung saan, na para bang ito'y parte na ng kanilang kasuotan. Sa ganitong paraan ay itinatag nila ang kanilang Imperyo at sa ganitong paraan nawala din ito sa kanila.
Ang isa pang bagay na lagi kong nawawala ay ang bolpen.
Kung susumahin ang tinta ng lahat ng nawala kong bolpen ay maaari na siguro akong makapagsulat ng isang Encyclopedia Britannica.Hindi ko mawari kung bakit ang lahat ng bolpeng nagdaraan sa kamay ko ay nawawalang parang bula. Dati niregaluhan ako ng tatlong mamahaling Parker bolpen...Tuwang-tuwa ako sa kagalakan dahil kung ako lang mismo ay di makakabili niyon...Sa ngayon hindi ko matandaan kung saan ko ito naiwan.... o kung sino ang tarantadong nanghiram at hindi na ito isinoli.
Isang leksiyon: huwag magpapahiram ng bolpen, singkwenta porsyento ang tsansa na hindi na ito maisosoli sa iyo. Kung may manghiram ay mabuti pang magsinungaling na wala kang bolpen....E paano kung makita nung nanghihiram yung nakausling bolpen sa bulsa ng iyong polo shirt? Buweno, sabihin na ito ay walang tinta, basta huwag ipahiram.
Ngayon nga ang laging gamit ko na lang ay Panda Bolpen na kahit mawala ay walang problema. Tutal ay limang piso lang naman ang isa nito.
Teka, narito na pala ako sa San Pablo, mabuti na lang at dalawang oras lang ako naabala...teka......
Bakit ba ako nandito sa San Pablo.....ano nga ba ang gagawin ko sa lugar na ito.....
Lintik na utak ito...
Lintik na utak ito...
No comments:
Post a Comment