Dito na kasi ako ipinanganak at lumaki sa Cubao. Eksaktong pagsisimula ng dekada sitenta ng una kong masilayan ang liwanag sa Cubao. Sa kalye New York nakatira ang pamilya ko (magpahanggang ngayon), na dito na yata nanirahan noon pa mang mga dekada sisenta.
Dito na rin ako nagsimulang mag-aral sa isang maliit na pre-school sa kalye Harvard, kaya masasabi kong ang Cubao ay kilalang-kilala ko na.
Ang Cubao ay parte ng aking kabataan, dito na ako nagka-isip, at nagkatrabaho, kaya nais ko na lang manatili dito sa buong buhay ko. Ewan ko ba tuwing malalayo ako sa Cubao e parang nalulumbay ako. Di ako sanay mawalay ng matagal sa aking kinagisnang Cubao . Kaya narito ang aking mga koleksyon ng mga larawan ng Cubao, sariwang-sariwang kuha lang kahapon... hehe.
Isang maulap at makulimlim na hapon sa kalye Romulo, Cubao. Mainam maglakad-lakad sa Cubao sa ganitong uri ng panahon. Medyo malamig at maaliwalas ang kapaligiran.
Ang kanto ng 15th Avenue at Aurora Boulevard na karaniwan ko ng dinaraanan tuwing maglalakad ako sa hapon.
Isang pangkaraniwang tagpo sa tapat ng Chopstick House, Cubao.
Isang bahagi ng Kalye New York, Cubao.Larawang kuha bandang alas tres ng hapon.
Ang kalye Stanford, Cubao. Pagsapit ng dilim ang kalyeng ito ay mapupuno ng mga patay-sinding mga ilaw. Ito kasi ang bahaging maraming bars sa Cubao. Halimuyak Bar, Takusa(Takut sa Asawa)Bar, Bartolina, Kulasisi, at marami pang iba.
Isang bahagi ng 15th Avenue, Cubao. Larawang kuha bandang alas-kwatro ng hapon.
Isang paboritong pasyalan(?) ng mga magkakasintahan sa Aurora Boulevard Cubao. Mura, malinis, at medyo tago sa mapang-usig na mata ng mga tao. Mayroon din silang ibinibigay na discount card para sa mga tatlong oras lang mamamalagi...
Ang pamosong "Snake Man" ng Cubao. Para sa mahabang ahas ay dalawang daang piso ang benta niya (syento otsenta ang last price). Sa maikling ahas ay isangdaan, pero pwede mong baratin ng hanggang otsenta. Hindi daw nangangagat ang mga ahas na ito, kaya sinubukan kong hawakan. Para silang mga pagong, napakaamo, kahit batukan mo ay di manunuklaw.
Bandang alas-syete ng bumuhos ang ulan. Ito ay larawang kuha matapos ang ulan bandang alas-nuwebe ng gabi.
No comments:
Post a Comment