Sunday, December 10, 2006

A Pinoy Christmas Party

The 2006 MIP Christmas Party was held on December 9 at the famous Ilustrado Restaurant, in the historic Intramuros. MIP stands for My Islands Philippines, an online photography club.



The party was a real blast! And many many thanks to our dear donors: Manong Ken, MIP Administrator, donated a whole Lechon de leche, Manong Francisco Bautista donated 100 dollars cash, and Bay Islandboy(our mysterious benefactor), paid the rest of the bill.



L-R: Kuya Rey Nocum, Jhun Vibar, Spectrum(MJ), Oskie, Doc Gerardo, Dodong Flores, Mhae, Jen, Ilocana(Ling), and Denz Dayao.



Clockwise: Avregjo(Albert), Jhun Vibar, Doc Gerardo, Denz Dayao, Ilocana, mahe, Jen, Oskie, Kuya Rey(hidden beside Dodong), Dodong Flores, Joy Perez, Pmelendres(Paul).



Mother and Child inside the Manila Cathedral where we had photoshoot before the party. Mother: "Sana po ay makasama kami sa MIP party" Boy: "Oo nga po nangangayayat na nga po ako eh"....

Oskie: "Ano kinukunan mo Dong? di ba dingding yan?"

Dodong: "Yun nga dingding...maganda din kunan ang dingding diba? I-Post ko nga to sa MIP"



Jhun: "Heheheh...gwapo mo pala Denz pag suot mo yang balangot"

Denz: "Heheh paborito ko nga tong balangot na to e....lagi ko tong suot kahit nagmimiting kami ni Archbishop Rosales"



Si Denz ay di makapaniwala na siya ay celebrity...tingnan nyo dami paparazzi sa likod niya...



Si Ilokana...tahimik na ngumunguya ng choco chips....Waiter: (sa sarili) "May pambayad kaya ang mga ito?"



Waiter: "Sir tikman mo tong apdo...ito pinakamasarap na bahagi ng lechon"

Oskie:"Ayoko ng apdo...mas gusto ko yung puwitan...hehehe"





Si Denz at si Jhen: Tayo'y mag-ootso-otso...otso otso...otso otso otso otso na..mag-otso otso...otso otso mag otso otsopa!



Jen: "Teka muna, Jhun....di pa ko nakapose!"

Jhun: "Di naman ikaw kinukunan ko e..yung bangko..macro shot ito"



Usapang lasing? hehehe



Si Joy Perez, Ilokana, Mhae, at Jen...



Spectrum: "Doc paano ba mag-set ng white balance dito sa Canon?"

Doc: "Aba ewan Nikonian ako eh hehehe"

Spectrum: "Sige na naman Doc..turuan mo ko mag-set ng white balance!"

Doc: "Di ko nga alam e hahaha"

Doc:(sa sarili) "Teka....Paano nga ba mag-set ng white balance?"



Spectrum: "Ikaw Jhun marunong ka mag-set ng white balance ng Canon ?"

Jhun: "Akoh? Bat ako? E Oympus gamit ko"



Tawanan dito at doon ang ginawa namin buong gabi!



Si Avregjo habang tuwang tuwa sa patawa ni Doc Gerardo na di pwedeng maging doktor si Kuya Rey dahil makakalimutin...Nakalimutan kasi ni Kuya Rey ang pambayad sa loob ng kanyang kotse..



Jhun: "Hahahaha"

Oskie: "hehehehe"



Isang profile shot ni Oskie!



Si Jhun, Spectrum at Oskie...



Si Oskie..pasimpleng nanginginain ng choco chips habang abala ang lahat sa panonood sa parlor games...



Abot tenga ang ngiti ng bawat isa habang nanonood sa parlor games....



Si Doc Ger ay namumula na sa katatawa....hehehehe



Sino ba ang pinapanood nila at tawa ng tawa?



Syempre. sino pa kundi..si Kuya Rey habang naglalaro ng parlor game.....

Kuya Rey: "Wag mo namang kunan ng macro ang puting buhok ko Jhun heheheh"

Jhun: "Wala pang nagpo-post sa MIP ng macro ng puting buhok e kaya ako ang una hahaha!"



Si Avregjo ay ginagaya muna ang pose ni Ninoy Aquino...



Fray: "Wag mo naman ako kilitiin dyan Denz hahahah. Malakas ang kiliti ko dyan eh hahahah!"



Waiter:(sa sarili) May pambayad kaya ang mga ito?"



Ilokana: "Bahala kayo diyan...magte-text muna ko... "

Waiter:(sa sarili uli) "May pambayad kaya ang mga ito?"



Nagkakasayahn ang lahat...habang si Ilokana ay busy sa pag-text hehehe



Dodong: "Sino kaya mas gwapo sa amin ni Denz..ako kaya? palagay ko nga ako..."



Denz: "Ay naku Dodong ha...mas gwapo ka nga pero mas maganda naman akohhh!!!..hihihihihi!!!!"



Si Denz habang naglalaro ng parlor game. Denz:"Oo..pwde..hinde..pwede...oo na nga!"



Habang kumakain ng Sampaguita Ice Cream.....

Dodong: "Lasa ngang sampagita ang ice cream na ito....kaya lang mas gusto ko kung Kalabasa Ice Cream hehehe"

Joy: "Nakakalasing pala ang Sampagita Ice Cream..."

Waiter:(sa sarili) May pambayad kaya ang mga ito?"



Oskie:"Bat kaya isang scoop lang ang ibinigay na sampagita ice cream? Bitin tuloy"

Kuya Rey: "Mahirap kasi magpiga ng katas ng sampagita, Oskie"

Waiter:(sa sarili) "Putcha nanakit nga ang palad ko sa pagpiga niyan eh"



Kuya Rey: "Hahahaha dati rati kinukunan ko lang ng macro ang Sampagita..ngayon pala e kinakain na rin...hahahha"



Dodong: "Mas gusto ko ng Kalabasa Ice Cream!"



Si Spectrum, Denz, Oskie, at Ilokana..habang tinitingnan si Dodong habang kumakain ng Sampaguita Ice Cream..Inaamoy pa kasi ni Dodong bago isubo....heheh



Denz: "Jen, kahawig ko ba talaga si Rey Valera?"

Jen: "Hindi..si Stevie Wonder! Hahahah"



Si Doc ay nagsabi na bawal sa larong Jack en Poy ang Pako...kaya si Kuya Rey ay nakaastang "bato"



Doc: "Hahaha bawal din sa Jac en Poy ang Ulan hehehe"





Waiter: (sa sarili) "May pambayad kaya ang mga ito?"

Pmelendres: "Talo ka Denz! Isang bato ka lang...ako dalawa!!! yahooo panalo!"



Pmelendres: "Ano masasabi mo Denz?"

Denz: "Gusto ko pa ng Sampaguita Ice Cream hehehe"



APAT??

Jun: "Oo apat na beses na akong naganyan sa tanang buhay ko!"

Rosel at Fray "Hahahahah sakit na ng tiyan namin hahahah!



Pmelendres: "Hheheheheh naiiyak na ako sa katatawa hehehehe"







Ang World Championship sa Jack en Poy ay pinaglabanan ni Kuya Rey at Denz.....

Denz: "Naku! Talo yata ako! Ayoko tumingin!"

Kuya Rey: "Ah bato...bato!!!!!"

Nanalo si Kuya Rey at dahil doon ay di pa rin inaalis ang posisyong bato ng kanyang kamay.

Kuya Rey: "Yes! Panalo ang Bato!"

No comments:

Post a Comment