Wednesday, May 26, 2010

Hoy Mamang Tsuper!

Ito na yata ang isa sa pinaka-nakabubwisit na ugali ng tsuper na Pinoy (hindi ko naman nilalahat), ang dyumingel sa gulong ng sarili nyang sasakyan. Kunsabagay dyipni nya naman yan, pero paano naman ang mga sasakay sa kanyang dyip? Hindi kaya sila biglang bumaba dahil sa ubod ng panghi ang gulong nito? O paano naman ang kalsada na dinaraanan ng mga tao? Tiyak na matatapakan nila ang ihi ng mamang ito. Bagama't may ordinansa na laban sa mga ganitong gawain, nalalabag pa rin ito. Wala naman kasing pulis, ang nasa isip siguro ng tsuper na ito. Oo nga naman. Maari na nga sigurong wag sumunod kung wala namang nagpapasunod.

No comments:

Post a Comment