Saturday, May 22, 2010

Nagtutuli: Isang Libreng Patalastas

Kababayan, ikaw ba ay isang lalaki? O mas mainam na tanong, ikaw ba ay hindi pa nagpapatuli at nais nang magpatuli sa lalong madaling panahon? Kung nais mo nang malampasan ang "rites of passage" na ito, wika nga, ay wag nang mag-aksaya ng panahon. Samantalahin ang tag-araw, bago bumalik sa paaralan! ( O bago bumalik sa trabaho). Narito ang isang mahusay magtuli sa bayan ng San Pablo, Laguna. Mahusay nga daw ang manunuli dito ayon sa mga binatilyong bagong tuling aming nakapanayam, na pawang ngumunguya pa ng murang dahon ng bayabas. Para nga daw kagat lamang ng langgam ang mararamdaman, ang mangiyak-ngiyak na sabi pa sa amin ng mga binatilyo.

No comments:

Post a Comment